David Archuleta, muling makikipag-jamming sa Pinoy fans

Manila, Philippines – Muling makikipag-jamming sa Pinoy fans ang international singer na si David Archuleta sa kanyang comeback concert ngayong taon.

Ito ang pormal na inanunsiyo ni Archuleta sa kanyang facebook page kung saan inimbitahan nito ang kanyang fans para sa kanyang concert sa October 20 sa Kia Theater.

Halos anim na taon na ang nakararaan nang huling nag-concert sa bansa si Archuleta.


Una siyang bumisita sa bansa noong 2009 kasama si David Cook.

Facebook Comments