Naging Botohan Ng Korte Suprema Sa Disqulification Case Ni Sen. Grace Poe, Kukuwestyunin Ng Mga Petitioner

2

MANILA – Inamin ng ilang petitioner sa disqualification case ni Sen. Grace Poe na gagamitin nila sa kanilang Motion for Reconsideration sa desisyon ng korte suprema ang ‘dissenting opinion’ ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.Sa interview ng RMN kay DLSU Prof. Antonio Contreras, sinabi nito na nagsilbing cue sa kanilang magiging apela ang opinyon na Carpio para mabaliktad ang sc ruling na 9-6 pabor kay Poe.Sinabi ni Contreras na pito lamang sa mahistrado ang pumabor sa Filipino Citizenship ni Poe kaya hindi masasabing majority decision at hindi maaaring maging bahagi ng batas o jurisprudence.Una ng sinabi ni Carpio, 7-5-3 ang naging botohan nila sa pagiging natural-born filipino ni Poe kaya hindi pa malinaw ang kuwalipikasyon nitong tumakbo sa pagkapresidente sang-ayon sa alituntunin ng saligang batas.Batay sa rule 12, section 1 ng Supreme Court internal rules, lahat ng desisyon at aksyon ng korte ay dapat may concurrence o pagpabor ng majority ng mga mahistradong nakibahagi sa deliberasyon.

Facebook Comments