Naging problema sa sistema ng BPI, iimbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Binabalangkas na ni Senate President Koko Pimentel ang resolusyon para sa isasagawang imbestigasyon ng senado ukol sa naging problema sa sistema ng Bank of the Philippine Islands o BPI na ikinaalarma ng mga kliyente nito.

Ang tinutukoy ni Pimentel, ay ang pahayag ng BPI na nagkaroon ito ng internal data processing error kaya nabawasan at nadagdagan ang savings ng mga account holders nito.

Giit ni Pimentel, delikado ang anumang problema sa computer system ng isang bangko kahit pa tiniyak ng BPI na hindi hacking insident ang kanilang naging problema.


Ayon kay Pimentel, target ng pagdinig na mabusisi ang security protocols ng BPI para matiyak na naiingatan ang pera pinaghirapan ng kanilang mga kliyente.

Dagdag pa ni Pimentel, daan din ang pagdinig para maipaliwanag na mabuti ng BPI sa kanilang mga kliyente ang insidente at matiyak na hindi na ito mangyayari ulit.

“Senate inquiry will delve into the bank’s security protocols, adding the root cause of the data error must be fully explained by BPI to reassure the public that a similar incident would not occur again in the future.”
DZXL558

Facebook Comments