NAGKAGULO | Siyam na preso ng Metro Manila District Jail sa Taguig City, sugatan matapos ang marahas na noise barrage

Taguig City – Sugatan ang siyam na preso sa Metro Manila District Jail sa Taguig City matapos ang ginawa nilang marahas na noise barrage, kagabi.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nagsimula ang noise barrage nang magreklamo ang grupo ng mga pasaway na inmate na inilipat ng selda kung saan nauwi ito sa kaguluhan.

Nabatid na winasak ng mga preso ang kanilang higaan para ipang-ingay at ginamit din nila itong pambarikada para hindi sila mapasok ng mga jail guard.


Pansamantala din inihinto ang dalaw kung saan pinairal ng BJMP ang maximum tolerance bilang pagtugon sa insidente.

Nanindigan din sila na warning shot lang ang ginawa nilang pagpapaputok para sawayin ang mga nag-aalburutong preso at hindi rin daw nila pinabayaan ang mga sugatan na agad dinala sa Rizal Medical Center.

Facebook Comments