NAGKAISA | Clean Rider pinasinayaan ng PNP sa Manila

Manila, Philippines – Personal na pinasinayaan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang Simultaneous Launching of PNP Campaign Plan Clean Rider sa Luneta Grandstand.

Ayon kay General Albayalde mahalaga na magkaroon ng Clean Rider dahil madalas aniya ginagamit ng riding in tandem ay mga motorsiklo kaya at kinakailangang magkaisa na ang mga motorcycle riders na i-monitor ang kanilang hanay upang maiwasan na makagawa ng anumang karahasan ang mga masasamang elemento ng lipunan.

Paliwanag ni Albayalde napakahalaga ang ginagampanan ng mga motorcycle rider upang mabawasan ang mga nangyayaring karahasan sa Metro Manila na ginagamitan ng motorsiklo.


Nagkaroon ng Signing of MOA sa pagitan ng PNP at mga Motorcycle Group bilang tanda ng kanilang pakikiisa sa kampanya ng PNP na mabawasan ang mga nangyayaring karahasan kung saan ginagamitan ng motorsiko.

Pagkatapos ng Signing ng MOA ay nagdikit ng sticker ng Clean Rider sa kani-kanilang mga motorsiklo alinsunod sa kanilang kasunduan na makikipagtulungan ang mga motorcycle riders upang masugpo kung hindi man mabawasan ang mga masasamang elemento na gumagamit ng motorsiklo sa kanilang modus operandi sa kalakhang Maynila.

Facebook Comments