Nagkaisa Labor Coalition, tinututulan ang plano ng gobyerno na buwagin o kaya ay isapribado ang PhilHealth

Naniniwala ang grupong Nagkaisa Labor Coalition na hindi solusyon ang planong buwagin na lamang o kaya ay isapribado ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matuldukan na ang usapin ng kurapsyon ng naturang ahensiya.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, hindi matutugunan sa pamamagitan lamang ng privatization o kaya ay buwagin na lamang ang PhilHealth dahil sa talamak na kurapsyon.

Paliwanag ni Atty. Matula, ang utos umano ng Pangulo sa Kongreso na buwagin ang PhilHealth ay lalo lamang nagpapabigat sa kasalukuyang krisis kaysa papanagutin sa batas ang mga indibidwal na nasasangkot sa krimen at ang planong isapribado ang healthcare ay mas malala pa umano ito sa sakit na kinakaharap ng sambayanang Pilipino.


Dagdag pa ni Atty. Matula, ang planong pagsasapribado o planong pagbuwag sa PhilHealth dahil sa alegasyon na talamak ang kurapsyon ay hindi solusyon.

Ang solusyon sa talamak na kurapsyon sa PhilHealth ay puspusan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon at panagutin sa batas ang sinumang mapatutunayang nagkasala sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Facebook Comments