Pinoy boxing champ Jerwin Ancajas, idedepensa ang hawak na titulo kontra Mexican boxer

60

All set na ang magiging laban ni IBF junior bantamweight champ Jerwin Ancajas kontra Mexican boxer na si Jonathan Rodriguez.

Nakatakda ang laban ni Ancajas sa November 2 na gaganapin sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Ito na ang pang-walong pagdepensa ni Ancajas sa hawak na titulo kung saan ang kaniyang magiging laban ay co-feature sa bakbakan nina Miguel Berchelt kontra kay Oscar Valdez.

Matatandaan na base sa listahan ng The Ring magazine, si Ancajas ang ika-apat na pinakamagaling na junior bantamweight boxer sa buong mundo.

Nabatid na nahirapan si Ancajas at ang promoter nito na i-schedule ang susunod niyang laban dahil na din sa hawak nitong visa na ngayon buwan lamang naasikaso.

Facebook Comments