NAGKAISA | Prayer vigil, isinagawa ng mga tagasuporta ni CJ Sereno bago ang nakatakdang pagtalakay sa quo warranto petition ngayong araw

Manila, Philippines – Buong gabing nag-vigil ang mga taga-suporta ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa labas ng Korte Suprema bago ang pagtalakay ngayong araw sa quo warranto petition laban sa punong mahistrado.

Dito ay nagsindi ng kandila ang mga taga-suporta ni Sereno sa pangunguna ni Running Priest Father Robert Reyes.

Nagdaos ito ng misa at nanatili roon ng buong magdamag para ipanawagan ang pagtutol sa quo warranto petition.


Isinagawa rin ng mga taga-suporta ni Sereno ang “Jericho walk” sa paligid ng Korte Suprema.

At bilang tugon naman pinalibutan ng mga taga-suporta ng quo warranto proceeding ng red ribbon ang gate ng SC

Sa isang pahayag, nanawagan ang supreme court employees association para maging ka-ayon sa saligang batas ang desisyon ng mga mahistrado sa quo warranto petition.

Facebook Comments