Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema na kumakampi sa extension ng Martial Law sa buong Mindanao ng isang taon.
Sa botong 10-5 ay pinaboran ng Supreme Court ang desisyon ng executive department na palawigin ang batas militar para makatulong sa mabilis na rehabilitasyon ng Marawi City at mapigilan pa ang pagkalat ng terorista sa buong rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patunay lang ito na nagkakaisa ang buong gobyerno o ang tatlong sangay ng pamahalaan para labanan ang mga terorista foreign o lokal ang mga ito.
Ibinida din ni Roque na ang desisyon ng Korte Suprema ay nagpapakita ng tiwala nito sa mga law enforcement agencies na pangangalagaan nito ang seguridad ng mamamayan at ang kapayapaan sa Mindanao.
Tiwala din aniya ang mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema na pangangalagaan ang ehekutibo ang Rule of Law, Human Rights at International Humanitarian Law.