Tigil putukan muna sa pagitan ng Israel at mga Palestinian militant sa Gaza matapos magkasundo ang dalawang panig sa ceasefire.
Nagkagulo sa Gaza matapos maganap ang pinakamaigting na bakbakan ng dalawang panig simula noong giyera ng 2014.
Sa isang joint statement, inihayag ng mga Palestinian militant ang pagsunod sa cease fire hanggat igagaling din ito ng Israel.
Kasama sa mga nagpahayag ng suporta sa ceasefire ay ang Hamas, Islamic Jihad at iba pang mga Palestinian faction na tumututol sa Israeli occupation sa Gaza.
Ang Egypt at ang United Nations ang gumawa ng paraan para magkaroon ng ceasefire sa Gaza.
Noong Lunes pinaulanan ng 400 na rocket ng mga militante sa Gaza ang Israel. Gumanti ang Israeli military sa pambobomba ng 100 na target sa Gaza.
Pitong Palestinian ang nasawi sa pag-atake ng Israel habang isa naman ang nasawi sa rocket attack ng mga militante.
Dose-dosena naman ang sugatan sa magkabilang panig.