NAGKASUNDO | Britain at EU, pinaburan ang post-Brexit draft deal

Nagkasundo ang Britain at European Union sa isang draft na layong magkaroon ng post-Brexit relationship.

Sa ngayon, kinakailangang maresolbe ang pag-kontrol ng Spain sa Gibraltar bago mapulong ang EU leaders sa Linggo para maselyuhan ang kasunduhan.

Ayon kay British Prime Minister Theresa May – gusto ng kanyang kababayan na maayos na kasunduan hinggil sa Brexit tungo sa kanilang magandang kinabukasan.


Ang kasunduan ay mahirarapang makalusot sa British parliament lalo at inaakusahan si May ng pagta-traydor sa Brexit dahil sa pagtanggap ng maraming patakaran ng EU kapalit ng free trade.

Nakatakdang makipagpulong bukas, November 24 si May kay European Commissioner Jean-Claude Juncker para maisapinal ang kasuduang lalagdaan ng EU leaders.

Facebook Comments