NAGKASUNDO | Pilipinas at Korea nagkasundong mas palakasin ang kanilang beneficial partnership

Manila, Philippines – Tagumpay ang Pilipinas at ang Republika ng Korea sa kanilang ika-7 Policy Consultation na ginanap sa bansa.

Ang Pilipinas at South Korean delegations ay pinangunahan nina Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique Manalo at Vice Foreign Minister Lee Tae-ho.

Ang dalawang bansa ay sumasang-ayon na patuloy na magtulungan upang mapalakas ang matagal ng pakikipagkaibigan at kapwa kapakinabangan.


Ang konsultasyon ay ginawa habang naghahanda ang dalawang bansa upang gunitain ang ika-70 anibersaryo ng bilateral relation sa susunod na taon.

Sa pulong, sinabi ni Undersecretary Manalo na itinataguyod ng Pilipinas ang higit pang kooperasyon sa consular matters, labor, science and technology, transport and infrastructure, Information and communications technology, energy, health and environmental protection.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang pampulitika at pang-ekonomiyang isyu upang palalimin at palakasin ang pitong dekada ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Facebook Comments