Manila, Philippines – Sa tingin ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson, nagkaroon talaga ng pagkukulang ang Philippine National Police-Criminal Investigation And Detection Group o PNP-CIDG. Ayon kay Lacson, ito ang dahilan kaya ibinasura ng Department of Justice o DOJ National Prosecution Service ang kaso laban kay Kerwin Espinosa. Ayon kay Lacson, aminado naman ang CIDG na isang pagkakamali na hindi nila isinama sa mga ebidensya laban kay Espinosa ang naging testimonya nito sa pagdinig ng senado Sabi ni Lacson, dapat ay hiniling ng CIDG sa Senado ang mga dokumento at transcript ng testimonya ni Espinosa sa senate hearing kung saan nito idinetalye ang pagkakasangkot niya sa illegal drug trade. Ipinaliwanag pa ni Lacson, na trabaho ng PNP at hindi ng DOJ panel na nagsasagawa ng preliminary investigation ang paghahanap ng matitibay na ebidensya.
NAGKULANG | Pag-abswelto kay Kerwin Espinosa at iba pa, isinisi ni Senator Lacson sa PNP-CIDG
Facebook Comments