NAGKUSA | Ilang mga kongresista, kusang nagbigay ng kopya ng mga SALN sa media

Manila, Philippines – Isang buwan mahigit bago matapos ang filing at deadline ng pagsusumite ng Statements of Assets, Liabilities and Networth o SALN noong April 30, kusa nang nagbigay ng kopya ng kanilang mga SALN ang mga kongresista mula sa oposisyon.

Kabilang sa mga kongresista na nagbigay ng kopya ng kanilang mga SALN si Ifugao Representative Teddy Baguilat na may P6.554 million networth, Bayan Muna Representative Carlos Zarate na may P1.647 million networth, ACT Teachers Representative Antonio Tinio na may P1.388 million networth, Gabriela Representative Emmi de Jesus na may P1.302 million networth, at Gabriela Representative Arlene Brosas na may P514,660 networth.

Mababatid na pagpasok pa lang ng 17th Congress, sinabi ng tanggapan ng SALN review and compliance committee secretariat na hinihintay pa ang plenary approval sa filing, review, disclosure, at access sa mga SALN ng mga house members.


Ayon kay Deputy Majority Leader Rimpy Bondoc, natapos na ng SALN committee ang rules para sa release ng SALN ng mga mambabatas pero naglabas naman ng bagong SALN guidelines ang Civil Service Commission (CSC).

Sinabi naman ni Deputy Minority Leader Eugene De Vera na bumuo ng bagong SALN guidelines ang CSC dahil hindi salig sa kasalukuyang rules ng code of conduct and ethical standards for public officials and employees ang kasalukuyang rules na sinusunod sa Kamara.

Facebook Comments