Ala-una mamaya ay ipagpapatuloy ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang pagdinig kung saan nabunyag ang pastillas racket sa Bureau of Immigration (BI).
Sa hearing mamaya ay inaasahang lulutang ang nagbigay kay Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros ng impormasyon, video, at screenshots ng mga usapan sa viber ukol sa katiwalian ng ilang mga taga-BI.
Nasa protective custody na ng Senado ang testigo na insider umano sa Immigration Bureau.
Magugunita na sa nagdaang pagdinig ay lumabas na hinihingan umano ng mga taga-BI ng tig-sampung libong piso ang halos isang milyong Chinese Nationals para sa VIP ang treatment pagdating sa paliparan.
Dahil sa nabanggit na salapi ay hindi na rin kinukwestyon at agad lusot sa immigration sa airport ang mga chinese nationals kahit na may problema sa kanilang mga dokumento.