Naglalako ng Taho sa Roxas Isabela, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

Roxas, Isabela – Arestado kahapon ang isang naglalako ng taho dahil sa pagtutulak ng droga sa Barangay Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Arjay Dela Cruz Yerro, tatlumpu’t dalawang taong gulang, binata at residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng kapulisan, unang ipinarating umano sa himpilan ng PNP Roxas ng isang concerned citizen ang umano’y pakikipagtransaksyon ng suspek sa iba pang kasamahan nito sa ipinagbabawal na gamot.


Sa pagresponde ng mga tauhan ng PNP Mallig ay hiniling sa suspek na ilabas lahat ang nasa loob ng kanyang bulsa kung saan mula sa kaha ng sigarilyo ng suspek ay nakita ang dalawang puting pakete ng hinihinalang shabu.

Dahil dito inaresto si Yerro at dinala sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon

Facebook Comments