NAGLIPANA | DTI, nagbabala sa mga pekeng sale

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na alamin ang kanilang karapatan bilang mamimili.

Kasunod na rin ito ng viral post sa social media kung saan lumalabas na piso (P1.00) lamang ang ibinawas na presyo sa naka-“sale” na produkto.

Sa interview ng RMN Manila kay Undersecretary Ruth Castelo, sinabi niyang dapat maging mapanuri ang consumer sa kaliwat’ kanang sale sa mga mall.


Ayon kay Castelo, itawag lamang sa kanilang hotline ‎751-3330 / ‎0917-834-3330 ang mga mall na mayroong hindi patas na pamamaraan sa pagtitinda.

Batay sa Republic Act 7394 o consumer act of the Philippines, maaring pagmultahin ang may-ari ng tindahan o establisyento na lalabag sa price tagging nang hanggang dalawang daang libong piso at maaring kasuhan ng fraud.

Facebook Comments