Nagbabala sa publiko ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa mga naglipanang pekeng contact tracers.
Ayon kay DILG Spokesman at Usec. Jonathan Malaya, nagpapakilala ang mga ito na contact tracers at nanghihingi ng ilang mahahalagang impormasyon tulad ng bank account at detalye ng credit card.
Susundan din ito ng mga pagtatanong hinggil sa personal financial information ng kanilang bibiktimahin at saka sasabayan ng paniningil para sa kanilang serbisyo.
Kapag tumanggi ang kanilang bibiktimahin, saka lamang magbabanta ang contact tracers na mahaharap ang biktima sa kaukulang parusa.
Karaniwang nag-o-operate ang mga kawatang ito sa Pampanga at ilan pang mga lugar sa Gitnang Luzon.
Facebook Comments