NAGMAHAL NA | Presyo ng tuyo, tumaas na rin

Manila, Philippines – Bukod sa presyo ng bigas, de lata, isda, manok at itlog, nagmahal na rin ang presyo ng tuyo sa ilang mga palengke.

Sa Marikina public market, tumaas ng animnapung piso ang presyo ng kada kilo ng tuyo.

Mula sa dating P280, mabibili na ang tuyong salinas sa halagang P340 kaya ang kada plastik na may lamang apat na piraso ng tuyo – bente pesos na!


Nagmahal din pati ang presyo ng kada kilo ng dilis at dulong na ngayon ay nasa P600 na.

Ang tinapang salinas naman ay p320 kada kilo; P240 naman ang kada kilo ng tinapang galunggong habang nasa P1,200 ang presyo ng kada kilo ng danggit.

Ayon sa mga tindera, nauubos na kasi ang imbak na frozen na isda ng mga supplier habang humina rin ang huli ng mga mangingisda kasunod ng mga naranasang pag-ulan noong mga nagdaang araw.

Facebook Comments