TIWALA PA RIN | Pangulong Rodrigo Duterte, buo pa rin ang tiwala kay Agriculture Sec. Manny Piñol

Manila, Philippines – Buo pa rin umano ang tiwala at suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol

Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang panawagan ng ilang sektor na sibakin na sa pwesto si Piñol dahil sa lumalalang problema sa suplay ng bigas

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – hangga’t hindi sinisibak ng pangulo si Piñol ay nangangahulugang may tiwala pa rin siya sa kalihim.


Bukod kay Piñol, pinagbibitiw din ni buhay partylist Representative Lito Atienza si NFA Administrator Jason Aquino.

Facebook Comments