Manila, Philippines – Nagmatigas ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na hindi nila isusuko ang kanilang P334 wage increase petition.
Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, walang dahilan para sila ay sumuko dahil hindi naman sila humihingi ng dagdag na sahod na ipangwawaldas sa luho.
Ipinaglalaban lamang nila ang isang survival wage hike o pambawi sa nawawalang halaga ng kanilang kita dahil kinakain ng sumisirit na inflation.
Aniya, walang mabibili ang P20 na arawang sahod na alok ng ECOP dahil lahat ng bilihin ay nagmamahalan na.
Facebook Comments