TAPATAN | Pacman, planong isunod si WBC/IBF lightweight Mikey Garcia matapos ang laban kay Broner

478

Plano ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na isunod si WBC/IBF Lightweight Mikey Garcia matapos ang laban niya kay Adrien Broner sa January.

Ayon sa kapatid at trainer ni Mikey na si Robert Garcia, matagal nang gusto ni Manny na matuloy ang laban pero hindi raw ito natutuloy dahil sa iba’t-ibang dahilan ng magkabilang panig.

Pero sigurado daw si Robert na matutuloy ang mega bout sa pagitan ng dalawang bigating boksingero sa susunod na taon kung saan umaasa siyang mapapatumba ni Pacquiao si Broner.

Aminado naman siyang magiging matindi ang laban Ni Manny kay Broner dahil sisiguraduhin ng American boxer na hindi siya mapapahiya lalo na at gaganapin ito sa kanilang bansa.

Facebook Comments