Manila, Philippine – Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa isa nanamang landslide na nangyari naman kaninang madaling araw sa Naga City sa Cebu.
Batay sa huling ulat ay umabot na sa 4 ang kumpirmadong nasawi habang hindi naman bababa sa 30 bahay ang pinaniniwalaang natabunan ng gumuhong lupa mula sa bundok.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay pinagaaralan ng gobyerno ang mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan ang gabitong mga trahendiya.
Tiniyak din naman ni Roque na ginagawa ng Pamahalaan ang lahat para kahit paano ay maibsan ang nararamdamang dalamhati ng mga nabktima ng trahediya.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang rescue operations sa landslide area sa pagasang mayroon pang mga mahuhukay na buhay sa ilalim ng gumuhong lupa.