Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Baghdad na mag-doble ingat matapos ang nangyaring pag-atake doon.
Nabatid na tatlong mortar shells ang bumagsak at sumabog malapit sa mga embahada ng Estados Unidos at Egypt pero wala namang napaulat na nasaktan sa insidente kung saan hindi pa rin tukoy kung anong grupo ang gumawa nito.
Sa kabila nito pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag at maingat.
Ayon sa Philippine Embassy sa Baghdad, nasa 200 Pinoy ang nagtatrabaho sa Green Zone kabilang ang mga nasa US Embassy kaya at pinapayuhan silang sundin ang security protocols ng mga pinagtatrabahuhan nilang kumpanya.
Sinasabing sa Green Zone matatagpuan ang mga gusali ng gobyerno kabilang ang parliament at mga foreign embassy.