NAGPAALALA | DOH, pinag-iingat ang publiko sa mga sakit ngayong tag-ulan

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa sakit na makukuha ngayong tag-ulan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sundin ang DOH health prevention advisory para maiwasan na matamaan ng leptospirosis at dengue, at iba pang sakit na nakukuha sa tubig tulad ng typhoid, cholera, hepatitis at acute gastroenteritis.

Dagdag pa ng kalihim, ang ubo at sipon, impeksyon sa balat at mata ay karaniwang sakit na kumakalat sa evacuation centers.


Payo ni Duque, kapag nakaranas ng sintomas ng sakit ay agad na magpakonsulta sa health professional.

Hinimok ng DOH ang publiko na iwasang sumuong at maglangoy sa tubig-baha.

Panatilihin ang kalinisan at itapon ng maayos ang mga basura.

Facebook Comments