DINAGSA | ‘Jobs jobs jobs’ caravan sa SMX Convention Center, dinumog ng mga aplikante

57

Pasay City – Dinagsa pa rin ng mga aplikante kahapon ang ikinasang ‘jobs jobs jobs’ sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia, Pasay City.

Ito ay bahagi ng ‘build build build’ infrastructure program ng gobyerno.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, marami pang programa ang isusulong ng gobyerno para magbigay ng oportunidad sa ating mga kababayan.

Sabi ni Public Works Secretary Mark Villar, maituturing itong pinakamalaking event ngayong taon lalo at halos 17,000 trabaho ang ini-alok sa caravan partikular sa larangan ng building, construction, architecture at engineering.

Ayon naman kay Transportation Secretary Arthur Tugade, higit 40 employer ang nakilahok sa caravan.

Para naman kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ipinagmamalaki nila na makapag-alok ng direct at indirect jobs para maisakatuparan ang ‘the golden age of infrastructure’.

Facebook Comments