Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy o COC para sa election 2019.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, huwag naman sanang gawing circus nga mga kakandidato ang unang araw ng paghahain ng COC na tatagal hanggang Octobre 17.
Aniya, lilimitahan na lamang sa apat na tao ang maaaring isama ng isang senatorial candidate sa paghahain ng COC sa ikatlong palapag ng tanggapan ng COMELEC sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Sa mga party list na maghahain ng Certificate of Nomination o CONA ay hanggang sampung tao lamang ang maaaring isama sa ikawalong palapag ng COMELEC.
Paalala naman ni Jimenez sa media, hindi na sila maglalabas ng accreditation sa filing ng candidacy at COMELEC pass na lamang ang kanilang ibibigay kung saan limang pass lang sa TV network, 2 sa print, 2 sa social media.
Transferrable aniya ang nasabing pass kaya maaaring gamitin ng iba pang miyembro ng isang network.
Bukas alas otso ng umaga ang simula ng filing ng COC at CONA hanggang alas-5 ng hapon.