Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni DTI Secretary Ramon Lopez ang mga tindera sa mga palengke sa Metro Manila na huwag tangkilikin ang mga Traders na nagbebenta ng karne ng manok na wala sa retail price.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Secretary Lopez na kinakailangan na naaayon sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga binibiling manok ng mga tindera sa palengke upang maipapasa naman nila sa mga consumers sa murang presyo.
Paliwanag ng kalihim, nakipagpulong na rin sila sa mga market master sa mga palengke sa Metro Manila upang imonitor ang mga Traders na nagbebenta ng mahal mas mataas sa nakasaad sa SRP.
Giit ni Lopez na walang dahilan na mataas ang presyo ng manok dahil mura naman sa farm gate na binibili ng mga Traders kayat marapat lamang aniya na ipapasa nila sa mga negosyante o tindera sa palengke ng mura upang mabili naman ng mura ng mga consumers.