Manila, Philippines – Nahaharap ang bansa sa krisis ng katotohanan.
Ito ang iginiit ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa gitna ng aniya ay patuloy paglaganap ng fake news at magkakaibang mga interpretasyon ng batas.
Aniya, ang krisis ng katotohanan ay nagiging ugat ng pagkakahati-hati at kawalan ng tiwala na pinalala pa ng partisan politics.
Ginawa ni Tagle ang pahayag sa kanyang circular letter kung saan hinimok niya ang mga mananampalataya at mga simbahan na nasa ilalim ng Archdiocese of Manila na magdasal sa loob ng labing-dalawang araw simula sa Pentecost Sunday sa May 20 hanggang sa May 31 tuwing alas tres ng hapon.
Hinimok din ng kardinal na sa loob ng nasabing panahon ay patunugin ang kampana ng simbahan tuwing alas-tres ng hapon bilang paggunita sa kamatayan ni Hesus.