
Hindi na kakasuhan ng Malacañang ang mga nagpakalat ng impormasyong hinarang at nakulong si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Amerika.
Ayon kay Palace Press Officer Castro, hindi naman dinamdamdam ng unang ginang ang mga kumalat na post sa social media dahil alam naman niyang wala itong katotohanan.
Dagdag pa ni Castro, Lunes pa nakauwi ng Pilipinas ang first lady mula sa working visit sa Amerika.
At sa katunayan ay nakaharap niya mismo ng personal si first lady sa isang pulong.
Samantala, para naman kay Castro, isang “demolition job” ang ipinakalat na fake news laban sa first lady at pinaalalahan ang publikong na huwag maniwala sa mga nababasang impormasyon lalo na kung hindi galing sa lehitimong source.
Facebook Comments