Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang dating kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos ikasa ang entrapment operation ng mga kasapi ng PNP Allacapan sa Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Baldomero Agbayani, 35-anyos at residente ng Brgy. Centro East, Allacapan, Cagayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, dumulog sa kanilang himpilan ang isang guro na si Robert Taquiqui,41-anyos na residente ng Brgy. Centro West sa nasabing bayan upang ireklamo ang suspek matapos kikilan ng P5,000 para maibyahe ang pagmamay-ari nitong kahoy pauwi ng kanyang tahanan.
Nabatid na nagpakilala ang suspek na dating empleyado ng DENR at sinasabing may kakayahan itong magbyahe ng kahoy.
Agad na kumagat sa pain ng pulisya ang suspek sa P5,000 na marked money.
Nahaharap ngayon si Obispo sa kasong Extortion na nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad.