Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng nag-viral sa social media dahil sa pamamahagi ng kaban-kabang bigas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Atty. Victor Lorenzo, sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng NBI ang negosyanteng si Norman Magusing alyas Francis Leo Marcos kanina sa Quezon City.
Sinabi ni Atty. Lorenzo Gadon na nag-ugat ang warrant of arrest laban kay Marcos sa reklamo ng samahan ng mga optometrist sa Baguio City.
Una na aniyang nagreklamo ang Optometrist Association of the Philippines (OAP) laban kay Marcos.
Bukod dito, mayroon pa aniyang ibang nakabinbin na kaso si Marcos.
Si Francis Leo Marcos o Norman Mangusing sa tunay na buhay ang nasa likod ng tinatawag niyang “Mayaman Challenge” na naghahamon sa ibang mayayaman na maglabas ng kanilang sariling pera para makatulong sa mga mas nangangailangan.
Paglabag sa Optometry Law o Republic Act 8050 ang kaso ni Marcos.