PAMASKO | DTI, tiniyak na walang paggalaw sa presyo ng tinapay

21

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na hindi na gagalaw ang presyo ng tinapay hanggang sa pagdating ng Christmas season.

Ito ay matapos mapagkasunduan ng DTI at Philippine Baking Industry Group na mananatili sa 35 pesos ang presyo ng Pinoy tasty.

Itinakda naman ang ₱21.50 sa presyo ng Pinoy pandesal.

Itinuturing ng DTI na pamasko ito para sa mga Pilipino.

Facebook Comments