NAGPALIWANAG | Aaron Aquino, dumepensa sa Senate Blue Ribbon Committee

107

Manila, Philippines – Dumepensa sa Senate Blue Ribbon Committee si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino matapos lumabas ang larawan niya kasama ang isa sa mga nadadawit sa drug smuggling sa bansa.

Ayon kay Aquino, kuha ang larawan noong Setyembre 3 sa birthday party ni dating PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo.


Aniya, naroon din si dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto at iba pang matataas na opisyal ng PDEA.

Pero paglilinaw ni Aquino, wala pa silang impormasyon noon na dawit sa drug smuggling sina Fajardo at Acierto.

Setyembre 13 na aniya nila nabatid ang umano ay kinalaman ni Fajardo sa drug smuggling.

Sinibak naman aniya niya si Fajardo sa puwesto noong Setyembre 14.

Facebook Comments

From Advertisers