RIGODON | SC, magkakaroon ng palitan ng pwesto

64

Manila, Philippines – Nagkaroon ng rigodon o palitan ng pwesto sa Supreme Court (SC).

Mula sa pagiging chairman ng Senate Electoral Tribunal (SET) inilipat bilang House of Representative Electoral Tribunal o HRET si Justice Diosdado Peralta.

Makakatuwang ni Peralta sa HRET sina Justices Estela Perlas-Bernabe at Francis Jardeleza.

Itinalaga naman bilang chairman ng SET si Senior Associate Justice Antonio Carpio at makakasam niya sina Justices Mariano del Castillo at Marvic Leonen.

Ginawang kasapi naman ng third division si Justice Rosmarie Carandang mula sa pagiging miyembro ng second division.

Facebook Comments