Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon ang Palasyo ng Malacañang sa anunsiyo na magiging doble umano ang sahod ng mga pampublikong guro sa buong bansa.
Ito ang ginawa ng Malacañang matapos ang naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na mali si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na doble ang ibibigay na sweldo sa mga public teachers dahil walang pondong nakalaan para dito.
Ayon kay Secretary Roque, ibinatay niya ang kanyang naging pahayag sa kautusan ng Pangulo nitong nakaraang Cabinet meeting sa Malacañang na hanapan ng pondo ang salary increase ng mga guro matapos itaas ang sweldo ng mga sundalo at mga pulis.
Negatibo naman ang dating sa ilang grupo ng mga pampublikong guro ang naging pahayag ni Secretary Diokno na walang pondo ang pamahalaan para itaas ang kanilang sweldo.