NAGPALIWANAG | Opisyal ng Manila police, idinepensa ang pagkawala ng isang big-time illegal recruiter

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Manila Police District Pedro Gil PCP kaugnay sa pagkawala ng hinihinalang big-time illegal recruiter sa kamay ng ilang tauhan nito.

Ayon sa kinatawan ni PSupt. Emery Abating, ang hepe ng MPD Station 5 na humarap sa media, release for further investigation o RFI ang suspek na si Teresita Hassan, na hindi batid ng arresting officers.

Si Hassan ay inireklamo sa pulisya ng mahigit na dalawang daang biktima na tuturuan umano ng wikang Nihongo na preparasyon nila upang makapagtrabaho bilang factory workers sa Japan.


Ngunit matapos ang ilang buwan na makolekta ang malaking halaga ng salapi sa mga biktima ay hindi pa rin sila naipadadala sa Japan ng suspek.

Nang ireklamo, nasakote nina PO3 Danilo Flores, PO3 Raul Paulino at PO1 Jason Cammayang ng Pedro Gil PCP si Hassan, kagabi ay dadalhin si Hassan sa ospital na bahagi ng police procedure sa mga nahuhuling suspek ngunit hindi na siya nakabalik ng Pedro Gil PCP at tuluyan na naglaho.

Facebook Comments