NAGPALIWANAG | Payo ni PRRD, tinanggap ni Roque kaya hindi tatakbo sa pagka-Senador sa 2019

Manila, Philippines – Nagpaliwanag ngayon si dating Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kung bakit hindi siya tatakbo sa pagka-Senador sa 2019 Midterm Elections.

Sa huling maigsing Press conference si Roque sa Malacañang ay sinabi nito na tinaggap niya ang naging payo sa kanya ni Pangulong Duterte na imbes na tumakbo sa Senado ay mas magandang bumalik nalang ito sa Kamara.

Paliwanag ni Roque, ito din ay isa sa kanyang mga pinagpipiliang opsyon kaya malugod niyang tinanggap ang payo ng Pangulo.


Sinabi pa ni Roque masikip na ang halalan sa pagka-senador dahil 7 ang tatakbong re-electionist at 5 naman ang nagbabalik na Senador bukod pa sa mga bagong mukha na tatakbo habang isang malaking konsiderasyon din ang pondo para sa halalan.

Una nang sinabi ni Roque na tatakbo siya bilang nominee ng Luntiang Pilipinas Environment Party sit kung saan bukas ay isusumite niya sa Commission on Elections ang kanilang Certificate of Acceptance at Nomination.

Facebook Comments