Eastern Samar – Nailigtas ng mga otoridad ang labing isang mangingisda na labing tatlong araw ng nagpalutang-lutang sa Barangay Japitan, Dolores, Eastern Samar matapos masira ang kanilang barko ng dahil sa Bagyong Urduja.
Nakilala ang mga ito na sina Enrico Solayao, Jay-Ar Josolan, Ryan Calixte, Jessie Apolan, Jesus Apolan, Jesulito Mendoza, Sol Freddie Alboro Jr., Glenn Moro, Ernesto Mascarinas, Rommel Lopez at Rey Cubillo.
Pinaghahanap naman ang lima pa nilang kasama na sina Marvin Nadunga, Joey Tolentino, Noni Magalona, Fernando at Sol Freddie Alboro na kapitan ng barko na FB Vilmar I’s.
Kwento ng mga mangingisda, galing sila ng Tacloban City at patungo na ng Suluan Island sa Guiuan, Eastern Samar nang masira ang barko dulot ng bagyo kung saan naka-survive sila sa pag-inom ng tubig ulan.