Patung-patong na kaso ang isinampa ng Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station 1 laban sa isang miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik Gang’matapos na magpanggap ng pari at nanghihingi bawat kanyang bebindisyunan sa Tondo, Maynila.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 177 o Usurpation of Authority, Article 294 Robbery Extortion, Swindling ay Coercion ang isinampa laban kay Marlon Ponterez 38-miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik Gang’ residente ng No. 110 Purok 2 Barangay Bangyas, Calauan, Laguna.
Ayon kay Police Chief Inspector Romeo Estabillo, marami aniyang mga residente ng Happy Land Barangay 105 Tondo Maynila ang nagrereklamo kay Ponterez dahil sa pagpapanggap nito ng pari kung saan nakasuot ng abito at nagbahay-bahay benibendisyunan ang mga bahay ng mga Katoliko kapalit ng ibinibigay nitong sobre na donasyon umano para sa kanyang bendisyon.
Hiningan ng mga pulis ng ID dahil sa sinasabing siya umano ay kasapi ng Aglipayan Church pero walang maipakita ang suspek kaya agad dinampot at dinala sa himpilan ng pulisya kung saan matagal na umanong modus operandi ng suspek ang pagpapanggap na pari.