Kathryn Bernardo, todo paliwanag sa pagkaka-unfollow niya kay Daniel sa IG

314

Todo paliwanag ngayon si Kathryn Bernardo sa balitang pag-unfollow niya sa Instagram ng kaniyang boyfriend na si Daniel Padilla.

Say ni Kath, aksidente lang daw talaga na napindot niya ang link at hindi daw niya ito sinasadya.

Paliwanag pa ng aktres, na huwag daw mag-alala ang mga fans dahil na-explain naman niya ito kay Daniel kung saan iginiit niya na nangyari na din daw ang ganitong insidente nang minsan ma-block niya ang ibang kapwa artista.

Samantala, after 26 years balik bansa ang sikat na Australian singer-songwriter na si Rick Price para sa kanyang Heaven Knows Philippine Tour sa February 15, 2019 sa New Frontier Theater.

Sa pagbisita nito sa DZXL 558 RMN Manila, sinabi ni Price na excited na siyang pakiligin at pasayahin ang mga Pinoy fans sa kaniyang concert kung saan makakasama niya dito sina dating side a front man Joey Generoso at former freestyle vocalist Jinky Vidal.

Facebook Comments