Nagpanggap na pulis, arestado dahil sa pangingikil

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang Arvin Luzaran Sumague na nagpanggap bilang PCpl. Edison dahil sa extortion.

Sa inisyal na report, nakatanggap ng reklamo ang IMEG mula sa complainant na si Peter Paul Pascuguin residente ng Talisay, Batangas dahil kinilala umano siya ng suspek mula sa pasugalan sa burol ng kanyang namatay na pinsan.

Matapos matanggap ang reklamo agad nagtungo sa lugar ang mga operatiba ng IMEG.


Sakto namang pagpunta rin ng suspek para kuhanin ang kanyang protection money at doon na nga ito inaresto ng mga awtoridad.

Dito nabisto na peke o nagpapanggap lamang na pulis si Sumague dahil wala itong maipakitang katibayan na siya nga ay isang pulis.

Sa ngayon, hawak na ito ng PNP at nakatakdang ipagharap ng robbery extortion.S



Facebook Comments