"I HAVE A BOMB" PRANK SA CAUAYAN AIRPORT, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

Mariing ipinababatid ng PNP Aviation Security Group sa publiko lalung-lalo na ang mga babiyahe at sasakay ng eroplano sa Cauayan Airport Terminal, na ipinagbabawal ang mga “Prank” na may kinalaman sa kaligtasan ng mga mananakay.

Ayon sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Cap. Julio Maribbay ng Cauayan Airport Police Station, huhulihin at kakasuhan kaagad ang sinumang byahero ang magtatangkang gawing katatawanan ang bomb threat.

Nagkaroon na kasi umano ang naturang paliparan ng insidente na mayroong isang byahero na nagsabing mayroon itong bomba sa kanyang bagahe.

Bilang resulta, naantala ang biyahe, nagkaroon ng panik sa ibang mananakay, at nagbigay ito ng takot sa publiko.

Agad namang inaresto noon ang nasabing indibidwal at nasampahan ng kaukulang kaso.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang pagpapaalala ni Police Captain Maribbay sa publiko ngayong darating na holiday season na maging maingat at mapagmatyag.



Sinisiguro rin umano ng Cauayan Airport Police Station na pananatilihin umano nito ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng byahero sa nasabing paliparan.

Facebook Comments