Nagpanggap na pulis at nangikil, arestado sa QC

14

Quezon City – Timbog sa entrapment operation ang isang babae matapos magpanggap na pulis at mangikil ng pera sa Barangay Batasan, Quezon City.

Ayon sa biktimang si Elvira Vurca, pinangakuan siya ng suspek na si Darren Orate na palalabasin sa kulungan ang kaniyang asawa.

Aniya, unang nanghingi ng P150 ang suspek na pang photocopy at nasundan ng P3,500.

Pero nagduda na raw siya kaya agad nagsumbong sa pulisya.

Sabi ni Chief Inspector Sandie Caparroso, station commander ng QCPD Station 5, hindi pulis at hindi nila tauhan ang suspek.

Dati na aniyang nakulong ang asawa nito sa kasong carnapping kaya posibleng naging pamilyar ito sa kanilang himpilan.

Facebook Comments