Isang Lalaki sa Quezon, Isabela, Tinaga ng Kainuman!

413

*Quezon, Isabela –* Nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kainuman kahapon sa Sitio Namnama, Brgy. Santos, Quezon, Isabela.

Ang sugatang biktima ay kinilalang si Celso Domicelio Reyes Jr, 28 taong gulang, binata, tubong Sabelita, Bacolod habang ang suspek ay si Rico Bautista Santan, 33 taong gulang, binata, tubong Bangkirwan, Davao City, at kapwa nangungupahan sa Brgy. Santos, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagkaroon ng inuman sina Reyes at Santan sa isang warehouse na pagmamay-ari ni Mario Antonio nang biglang nagka-alitan ang dalawa.

Kumuha ng itak si Santan at itinaga ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Reyes.

Agad na tumakas ang suspek subalit naaresto rin ng mga rumespondeng pulis habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima dahil sa mga tinamong taga.

Nasa kustodiya na ng PNP Quezon ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon matapos itong isailalim sa physical at medical examination sa pagamutan.

Facebook Comments