NAGPAPAANTALA? | Kampo ni dating Senador Bongbong Marcos, nagsagawa umano ng delaying tactics sa kasong isinampa ng kampo ni VP Robredo

Manila, Philippines – Inakusahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo na ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang nagpapaantala sa isinampa nilang kaso sa Presidential Electoral Tribunal o PET.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Atty. Romulo Macalintal abogado ni Robredo na delaying tactics ang dahil tinutulan umano ng kampo ni Marcos ang kanilang inihaing Motion For Reconsideration.

Paliwanag ni Macalintal walang dahilan umano upang tutulan nito ang motion for reconsideration na kanilang inihain sa Korte Suprema.


Giit ng kampo ni Robredo sa Jan 22 pa sa susunod na taon ay maghahakot sila ng mga balota papuntang Camines Sur at sa kalagitnaan naman ng Pebrero ay maaaring magsisimula na magbilang ng balota sa Camsur.

Magkaroon lamang umano ng proper trial pagkatapos ng revision ng mga balota na pinagtatalunan sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Dagdag pa ni Macalintal na simula noong taong 2010 National Election walang umanong nananalo sa re-counting dahil hindi umano nagkakamali ang counting machine sa election.

Facebook Comments