Ngayong araw, isinagawa ang vaccination para sa mga A2 hanggang A5 categories sa Pasay City West High School.
Isinagawa ito mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon gamit ang AstraZeneca vaccine.
Bukas naman November 2, tuloy pa rin ang bakunahan sa Pasay City West High School sa parehong oras.
Pinapayagan ang walk-in para sa mga residente lang ng Pasay City.
Kailangan namang dalhin ng mga magpapabakuna per category at valid government-issued ID na may proof of residency sa Pasay tulad ng:
– Barangay ID/Barangay Certificate
– Company ID with Pasay address
– Pasay ID/TCIC ID
– Residential Lease of Contract with Valid ID
Ihanda rin ang mga sumusunod para sa mga babakunahan ng 1st dose:
A2 (senior citizens dapat dalhin ang Pasay OSCA ID
A3 (adults w/ comorbidity kailangan ang medical prescription/medical certificate mula sa attending physician o PWD ID card
A4 (essential workers kailangan ang company ID na nagpapatunay na nagtatrabaho sa Pasay.
A5 (dalhin ang 4Ps ID o kahit anong valid government-issued ID na may Pasay address bilang proof of residency.
Para sa mga nais magpalista para sa bakuna, makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay para maisama ang pangalan sa listahan, o kaya mag-register online sa: https://pasayemi.ph.