Nagpapatuloy na bisa ng Southeast Asia Collective Defense Treaty, epektibo laban sa banta sa seguridad at ekonomiya ayon sa isang senador

Ipinanawagan ni Senator Francis Tolentino ang paggamit pa sa ilang kasunduang nilagdaan ng Pilipinas upang maprotektahan ang bansa at iba pang kalapit na lupain laban sa banta sa seguridad at ekonomiya.

Ayon kay Tolentino, malaking bagay ang Southeast Asia Collective Defense Treaty na nilagdaan nitong September 8, 1954 na mas malakas kaysa sa Mutual Defense Treaty (MDT).

Sa nasabing kasunduan, nakapaloob na kapag may naganap na kaguluhan hindi lamang ang US, Australia, France, Great Britain ang tutulong kundi maging ang New Zealand.


Ipinauubaya naman ni Tolentino ang desisyon sa Malacañang at tiniyak na maituturing pang may bisa ang kasunduan batay na rin sa sinabi ng US State Department.

Facebook Comments