NAGPAPATULOY NA | Decommissioning ng mga armas ng MILF, nagpapatuloy na – ayon sa Bangsamoro Transition Commission

Inihayag ngayon ng Pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na nagpapatuloy na ang proseso ng decommissioning ng mga armas ng MILF combatants base sa napagkasunduan sa comprehensive agreement on the Bangsamoro.

Ayon kay MILF Peace Panel Chairman Mahaguer Iqbal, matapos ang ratification ng Bangsamoro Organic Law ay sinimulan na ang 2nd phase ng decommissioning 30% ng mga armas ng kanilang mga combatants at nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang proseso nito.

Susundan naman aniya ito ng 35% na decommissioning ng kanilang armas sa oras na maipatupad ang BOL sa Bangsamoro Region.


Matatandaan na noong 2015 panahon ni Dating Pangulong Noy-Noy Aquino ay nilagdaan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro kung saan nagkaroon ng ceremonial Decommissioning ng mga armas ng MILF at nagbalik loob naman sa pamahalaan ang 145 MILF combatants para bumalik sa normal na pamumuhay.

Nabatid na sa oras na makapag halal na ang Bangsamoro Region ng kanilang mga bagong opisyal sa ilalim ng BOL ay 100% na ng Armas ng MILF ibibigay sa Pamahalaan para sa decommissioning.

Facebook Comments