NAGPASALAMAT | Grupo ni Fariñas, nakahinga ng maluwag sa pagtiyak ni GMA na walang kongresista ang maze-zero budget sa 2019

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang grupo ni dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa pagtiyak na walang kongresista ang ma-ze-zero budget sa 2019.

Ayon sa kasamahan ng grupo ni Fariñas na si Isabela Rep. Rodito Albano, ang hakbang na ito ni House Speaker GMA ay act of statemanship.

Ipinakikita umano nito na patas si GMA at hindi ito mapaghiganti.


Ang utos ni GMA na huwag i-zero sa pondo ang sinumang kongresista, kahit pa iyong mga ayaw sa kanya, ay derektibang ibinigay nito kina House Majority Leader Rolando Andaya at House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles.

Samantala, kahit nasa oposisyon na grupo, ipinagtanggol ni Albano laban sa mga kritiko ang madalas na pagbiyahe ni GMA sa mga lalawigan at pagtulong sa mga sinalanta ng kalamidad.

Giit ni Albano, bahagi ito ng tungkulin ng isang speaker kaya walang masama kung tumulong si Gma sa distrito ng mga kongresista.

Facebook Comments